Pages

2013. Powered by Blogger.

NEWS

August 24, 2013

Bullion Buyer Ltd.Current Events

Isiniwalat ngayong August 25, 2013

Sa mga hindi nakakaalam at sa mga nagkukunwaring hindi alam kung sino ang utak ng Organization na ito.

Head Emmanuel Destura, a.k.a Red Dragon (RD) and Felicisima Dalisay Cantos a.k.a Pink Diamond (PD)

Mga Nabiktima lamang na Mga Officers :

National Inspectorates (NI)
Regional Implementors (RI)
Provincial Implementors (PI)
Participating Leaders (PL)
Coordinators
Beneficiaries

Dear Readers
Sinabi ng Salita ng Diyos sa

John 8:32


Then you will know the truth, and the truth will set you free

hayaan natin buksan ng Diyos ang ating nabubulagang mga Mata.




Taong 2012 ako nakapasok dito na mag Doa Signing maaring may iba sa atin na mas nauna pa
kaysa dito na makapasok sa "BULLION"  maraming mga pangako ang nabangit sa atin na kung pagiisipan nating mabuti ay gaano kaya ito katotoo? tingnan nalang natin ang mga ipinangako sa ating mga Beneficiaries na P1Million (P1,000,000.00 ) na hindi naman binigyan tayo ng Limitasyon kung ilan ang ating makukuha 

mag kwenta tayo.

example: P1,000,000.00 x 1,000,000 Beneficiaries = P1,000,000,000,000

isipin mo P1trillion!!

saan nila kukuhain ito?
sa account ni "Apo" (Ferdinand Marcos) ni wala nga silang opisina at Legal Papers katulad ng SEC Registration at Pinapalabas pa nila na sa Beijing China ang kanilang Opisina na hindi malaman kung saan natin ito pupuntahan!! 
hindi sa sinasabi ko na walang pera si "Apo" Meron naman talaga! ang tanong si "Red Dragon" ba talaga ang tunay na Holder? o nakikisakay lang siya sa mga ibang naglalakad ng tunay na Accounts. pag-isipan 
August 2012 - nagpa kalap ng pera para gamitan DAW! sa pag-aayos ng accounts nagbigay naman ang mga kawawang officers at isa na ako dun na nagbigay ano kapalit? 

P1.000 = 1:1:1 Computation P1000 kapalit ay $1,000 at $1,000,000 sino ang hindi magbibigay sa mga padama nilang ito sinabi nila na mag hintay ng September 2012 na hindi natupad nangulekta ulit sila ng December 2012 at hinde matapus-tapus na "doa signing"  hangang sa lumabas ang warrant of arrest laban sa kanila "RD and PD" hindi parin sila tumigil sa pang-hihingi ng investment (slotting) mula sa Luzon karamihan sa Baguio at pangasinan, Bicol, Cavite, Laguna, NCR, Mindanao at marami pang iba.

June to August 2013

Alam nyo ba kung ano kapalit ngayon ng P1,000.00 mo ? 

P1.000 = 1:4:4 Computation P1,000 kapalit ay $4,000 at $4,000,000 sino ang hindi magbibigay muli sa mga padama nilang ito?!!! ginagawa nilang gahaman sa pera ang mga taong nabibiktima nila... at may P1.000 = 1:5:5 naman hala mga kasama pagisipan na po natin ang kanilang mga panggugulang na ginagawa baka sa susunod eh 1:6:6 o 1:10:10

Nakakaawa ang mga biktima... may mga nangutang sa bumbay, nagsanla ng lupa, nagwithdraw ng huling patak ng pera sa kanilang savings account at nagbigay ng kanilang maliit na puhunan sa negosyo na bumubuhay sa kanila sa pagasang bigla silang yayaman at mapapalitan ng ganitong kalaking halaga ang kanilang mga perang ipinagkatiwala nila sa dalawang ito???  

Pagisipan??? bakit hindi sila man lang nagiiwan sa atin ng katibayan na papalitan talaga nila ito at kung magkanu man?  

Milyon Milyon ang nakulekta nila simula nung nakaraang taon hanggang ngayon kahit umuulan bumaba ang mga taga baguio para maghatid ng investment nila. Dinadahilan pa para sa Armored Car na paglalagyan ng pera.

Muli magkwenta tayo ng Investment?

Estimate natin pinakamababa ng nalikom nila mula last year P10Million = $10Million x P40.00 na lang=P400,000,000.00 Million

sa P10Million ay may 10,000 shares with $1,000,000 each nalang hindi na x $4M or $5M
magkanu kaya??? $10,000,000,000 Billion x P40.00 na lang = P400,000,000,000 Billion ang ipamimigay nila eh sa totoo lang hindi lang ito ang nakuha nila.



Ngayon Si Red Dragon ay mayroon ng bagong sasakyan??? saan kaya ito galing????

Kailan Daw magbibigay??? laging sinasabi malapit na puro paasa may June, July, at ang pinaka latest??? August 24 DAW at ngayon naman may hinihintay na naman na confirmation na mag mumula sa central bank??? at eto na naman ang bago sa August 27 o 28 2013 na naman maguumpisa na??? 

Bakit Kaya Sinasabi ng dalawang ito na pumirma tayo nagyon na ang P2,000 daw na ating ibinigay sa D.O.A ay Voluntary at hindi Mandatory? 

Ang Mandatory ay may Requirement na halaga kasi hindi tayo magkaka D.O.A ng P500 o P1,000 lang ibibigay natin. Yun nga dating food tuwing may D.O.A signing eh kailangan tayo magbigay ng P100 para makakain hindi pwedeng hindi magbibigay dahil mapapagalitan ang taga kolekta ni PD at RD.

August 2013 NEWS:

Ang Voluntary ay kusang loob na ibinibigay at walang halagang iniimposed.

Ang dalawang ito ay humahanap ng magtatakip sa kanilang kinakaharap na kaso. ginagamit nila ito kasi may hold sila sa atin na hindi tayo mabibigyan at ang ating mga investment at beneficiaries ay walang matatanggap. pag hindi sila maabswelto sa kasong ito. Kung sakaling sila man ay makulong, Hindi hahayaan ng DIYOS ang dalawang ito na magtagal sa kulungan kung talagang sila naman ay nagsasabi ng totoo at gagamitin ng Diyos sa kanyang magandang panukala sa bansang Pilipinas.

Mga kasama pagisipan naman nating mabuti bago tayo pumirma, huwag nating hayaan na patuloy tayong lokohin ng dalawang ito at patuloy tayong lokohin ng ating nabubulagang kaisipan.

Buksan nawa ng Diyos ang ating Isipan. Pagpalain nawa tayong lahat.


Ito ay Pagsisiwalat ng mga ngyayari at hindi paninira s mga biktima na Officers na puro hirap ang dinananas at beneficiaries na walang kinalaman.


Standby for the next Update.
Sa mga magbibigay ng kanilang nalalaman na katotohanan magemail sa bullionltdph@gmail.com

6 comments:

Chandra said...

Good day...

Dito sa Province ng Northern Samar...Feb. 22, 2014....nakarating narin yang BULLIONS BUYER LTD.... may pinapa fill up na mga papers at mag bibigay ng pera...iwan ko...yung mga tao nagkaugaga naman sa pag asikaso at papasa sila ng kanilang personal data....

bukod sayo at sa video regarding dito wala na akung ibang ma research kung ano ito at kung totoo ba ito para matulongan namin yung mga kababayan namin....

Unknown said...

pls. read

file:///C:/Users/User/Downloads/Order%20of%20Dismissal%20(1).docx

Unknown said...

GUSTO LNG PONG IPARATING NA WALA SA MANAGEMENT NG BBL ANG PROBLEM D2. KUNG NADELAY MAN (PLS REFFER NEWS). CLA AY SUMUSONOD SA POLICY NG WORLD BANK AT FOREIGN BANK AT D2 SA ATIN... ME MGA FOUNDATION PO NA KELANGAN ANG TULONG NG MGA OPERES NILA.. NGO PO TAU... NON GOVERNMENT ORGANIZATION MEANS SARILING PAGOD AT EFFORT NATIN PARA SA PAG-IBIG SA BAYAN AT SA MGA KABABAYAN NATIN.MISYON PO I2...... HUMANITARIAN PO ANG PROJECT NATIN.... DI GAGALAW AT MAGTATAGUMPAY ANG SAMAHAN KUNG DI MAGTUTULUNGAN..BSTA ANG MGA BENEFICIARIES ANG HIGIT NA NANGANGAILANGAN NITO. ANG DIOS NAMAN ANG MAGPAPALA KC MALINIS INTENSYON NATIN... AT DADALOY ANG BIYAYA.. SA NANINIRA NUN, SAAN KAU NGAUN DADAMPUTIN?


Bullion Buyer LTD is a Really scam - News - Bubblews
bubblews.com
Speak Freely. Write Your World.

Unknown said...

MAY NAGTANONG SA AKIN NA BAKIT DAW WALA SA SEC AT WEBSITE ANG BBL?.. ANG BBL AY NGO AT DI PO ORGANIZATION..BAKIT KELANGAN PANG MAG SEC. PAG NAKASEC. ITO ANG NANGHIHINGI SA BENEFICIARIES AT NAMEMERA. SAMANTALANG ANG BBL AY SIYA ANG NAGBIBIGAY O MAGBIBIGAY SA MGA BENEFICIARIES NG BIYAYA NA ANG MGA OPERES NITO AY KASANGKAPAN NG NG MAYKAPAL .. DI RIN TULAD I2 NG NGO NI NAPOLES NA GINAWA AT GINAMIT PARA LUKUHIN ANG SAMBAYAN NA DAPAT SANA AY SA ATIN. DI PO MASAMA ANG NGO.. SILA ANG TUMUTUGON SA PANANGAILANANG DI NA MATUGUNAN NG GOBYERNO.. MAGKATUWANG ANG 2 ITO..

Unknown said...

22o po ba ang bbl?

Unknown said...

Dto po sa compostela valley 70 pesos po hiningi para sa booklet.. at mga legal papers totoo po na ito?

Post a Comment